TINGNAN: 6,000 Christmas lights sa munisipyo sa Carmen, Agusan del Norte

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2019 10:15 PM

Higit 6,000 na Christmas light ang nagbigay ng liwanag sa munispyo ng Carmen sa Agusan del Norte, para sa inaabangan selebrasyon ng Pasko sa naturang bayan.

CARMEN, Agusan del Norte – Dagsa ang mga bisita matapos pailawan ang mga dekorasyong pang Pasko sa bayan na ito Biyernes, kabilang ang mahigit 6,000 makukulay na Christmas lights sa Municipal Hall dito.

Ang malaking Christmas tree sa gilid ng Hall, pinalamutian ng mga bituin. May Christmas tree din sa gitna ng munisipyo at may fountain sa ibaba nito.

Watch more in iWant or TFC.tv

Tema kasi ngayon ng bayan para sa taong ito ay "Light Up Carmen ay Light the World."

Naging atraksyon din ang "tunnel of lights" sa plaza. Siksikan ang mga residente na hindi napigilang magpakuha ng larawan sa nasabing atraksyon.

Hindi lang mga taga-Carmen, pero pati na rin ng mga residente mula sa karatig bayan ang taon-taong nag-aabang sa nasabing selebrasyon ng Pasko. 

Umaasa ang pamahalaan ng Carmen na sa pamamagitan ng pagbisita nila sa bayan, ito’y makapagbigay sa kanila ng dagdag na pag-asa sa kabila ng mga problema.

Tatagal ang mga Christmas display sa Carmen hanggang sa unang linggo ng Enero 2020.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.