PatrolPH

Rape suspek na pumuga noong 2005 timbog makalipas ang 14 taon

ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2019 04:42 PM

MEXICO, Pampanga — Matapos ang higit 14 taong pagtatago sa batas, nahuli na sa wakas ang isang rape at homicide suspek na pumuga sa bilangguan noong 2005.

Kinilala ang suspek na si Rudy Yambao, 36, na nahuli sa kaniya mismong tinutuluyan sa Barangay Panipuan.

Hinuli si Yambao sa bisa ng arrest warrant mula sa San Fernando Regional Trial Court Branch 43. 

Isang pugante si Yambao na naaresto dahil sa pagkakasangkot sa kasong rape with homicide at nakulong sa detention facility ng Mexico Municipal Police Station.

Pero nakuha nitong makatakas noong gabi ng Hulyo 10, 2005.

Dinala na sa parehong kulungan si Yambao para sa pag-aayos ng kaniyang mga commitment papers sa paglipat niya sa Pampanga Provincial Jail.

—Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.