'Bato', nakiramay sa pamilya ng pulis na nasawi sa pagsabog

Bea Zaragosa, ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2017 12:03 PM

CABATUAN, Iloilo - Bumisita si Philippine National Police chief Director General Ronald Dela Rosa sa burol ng pulis na namatay sa pagsabog ng isang improvised explosive device sa Iloilo noong nakaraang linggo.

Personal na inabot ni Dela Rosa ang tulong pang-pinansyal sa ina ng nasawing si PO1 Jofel Odom Miyerkoles ng gabi.

Watch more in iWant or iWantTFC

Namatay si Odom matapos magtamo ng sugat sa ulo dahil sa naturang pagsabog.

Inabisuhan ni Dela Rosa ang kapulisan na maging alisto sa lahat ng oras.

Dagdag ni Dela Rosa, dapat paigtingin pa ang intelligence capability ng kapulisan upang hindi na maunahan ng mga rebelde ang mga tropa ng gobyerno.

Nagbabala din si Dela Rosa na hindi magdadalawang isip ang mga awtoridad na kasuhan ang mga indibidwal na susuporta sa mga rebelde.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.