Babae, sugatan matapos barilin ng kapitbahay sa Navotas

Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2017 06:09 AM

Sugatan ang isang 58-anyos na babae matapos barilin ng kanyang kapitbahay sa Barangay Tangos, Navotas City.

Nagtamo ng tama ng sumpak sa braso si Amelia de Leon.

Sumuko naman ang suspek na kinilalang si Jayson Domingo.

Ayon sa pulis, natutulog umano si De Leon sa kanyang bahay nang biglang barilin ni Domingo gamit ang sumpak.

Agad dinala si De Leon sa Tondo Medical Center upang gamutin.

Ayon naman sa barangay, tiyahin ng suspek ang biktima at napag-alamang matagal ng may alitan ang kanilang mga pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.