Bangkay ng batang babae, natagpuan sa septic tank

Danielle Rebollos, ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2016 09:06 PM

NUEVA VIZCAYA - Natagpuan ang bangkay ng isang 2-taong gulang na batang babae na nakalubog sa septic tank ng isang abandonadong bahay sa Purok Uno, Barangay Baretbet sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya Lunes ng umaga.

Pinaghihinalaang iniwan ito ng isang babae at isang lalaki na bibili sana ng kandila sa restaurant malapit sa abandonadong bahay.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pulisya sa kaso. Magsasagawa naman ng autopsy para malaman ang naging sanhi ng pagkamatay ng bata.

Nitong Miyerkules ng hapon, dumating sa istasyon ng pulis sa Bagabag ang isang lalaki na nagpakilalang ama ng bata. 

Ayon sa kanya, kilala niya ang gumawa nito sa kanyang anak. Desidido rin siyang magsampa ng kaso laban sa gumawa nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.