PatrolPH

4 CAFGU patay sa pag-atake sa rehab project ng tulay sa Maguindanao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2022 01:38 PM

Watch more News on iWantTFC

Apat na tauhan ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang namatay sa pag-atake sa rehabilitation project para sa isang tulay sa Buldon, Maguindanao del Norte, sabi ngayong Martes ng militar.

Dead on the spot umano ang tatlo sa mga biktima habang ang ika-apat ay namatay habang ginagamot sa ospital.

Sa inisyal na report ng militar, nangyari ang pag-atake ng hindi pa nakikilang armadong grupo bago mag-ala-1 ng madaling araw nitong Lunes.

Ayon kay Maj. Gen. Roy Calido, commander ng 6th Infantry Division, bahagi ng seguridad sa ginagawang tulay ang mga napatay na CAFGU.

Tinangay aniya ng mga suspek ang apat na M-14 rifle ng mga biktima.

Hinala ng pulis at militar ay mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nasa likod ng pag-atake.

Kinondena ni Buldon Mayor Pahmia Manalao-Masurong ang pag-atake na nag-iwan rin ng isang sugatan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.