PatrolPH

P5.4-M halaga ng hinihinalang shabu, kumpiskado sa Tondo

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2021 01:41 AM

MAYNILA - Timbog ang apat na drug suspect sa ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District Station 7 sa Tondo, Maynila Linggo.

Target ng operasyon ang Top 1 Most wanted person ng naturang istasyon na si alyas Dante.

Nangyari ang transaksyon sa isang gasolinahan sa Juan Luna Street kung saan nagbenta umano ang suspek at mga kasamahan niya ng P40,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Nang kapkapan, nakuha sa kanila ang walong plastic ng hinihinalang shabu.

Abot sa P5.4 milyon ang kabuuang halaga nito.

Ayon sa mga pulis, parte ng sindikato ng droga sa Tondo ang apat na suspek.

Pare-pareho rin silang newly-watchlisted drug personalities.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang haharapin ng mga inaresto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.