TFC News

Champs Elysees sa Paris, inilawan na para sa Pasko 2021

Bong Agustinez | TFC News France

Posted at Nov 29 2021 09:32 PM | Updated as of Nov 30 2021 12:00 AM

PARIS – Inilawan na ang Christmas lights sa pamosong Champs Elysees avenue, Paris nitong November 21, 2021. Ito ay magpapasaya at makakabighani sa mata ng mga Parisians at mga turista.

Ang Christmas lights ay nakasabit sa mahigit 400 puno sa world famous avenue. Taon-taon binibisita ang Champs Elysees dahil sa nakabibighaning Christmas lights na mas lalong nagbibigay kinang sa Paris bilang the 'City of Light'.

Bukas ang mga kumukutitap at bumubusilak na mga ilaw mula alas-singko ng hapon hanggang alas-dos ng madaling araw, hanggang January 9, 2022.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa France, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

PANOORIN: 

Watch more on iWantTFC