Blood donation drive kinakasa sa Bonifacio Day

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2021 04:27 PM

MAYNILA — Hinikayat ng isang grupo ang publiko na makilahok sa ikinakasa nilang bloodletting activity sa iba't ibang panig ng bansa sa Martes, kasabay ng pagdiriwang ng Bonifacio Day.

Bilang paggunita sa bayaning si Andres Bonifacio, magdaraos ang Pi Sigma Fraternity Alumni Association, Inc. (PSFAAI) ng blood donation drive katuwang ang Philippine Red Cross.

Narito ang mga lugar kung saan maaaring mag-donate ng dugo ang publiko:

• Philippine National Red Cross Building #55 Malakas Street, Pinyahan, Quezon City (contact person: Pico Roberto, 0917-822-2917) 
• Matulungin Street, Diosdado Macapagal Regional Government Center (SACOP), Maimpis, San Fernando City, Pampanga (contact person: Alvin Yap, 0916-619-1029) 
• Red Cross Tarlac, Barangay San Vicente, Tarlac City (contact person: Ronnie Lacanlale Calma)
• Philippine National Red Cross Building – Baguio Office, 39 Harrison Road, Baguio City (contact person: Jezrel Grajo, 0915-687-2910) 
• Barangay Zone 1 Gym, Koronadal City (contact person: Erlinda Aranez, 
0919-999-71-63) 
• Philippine National Red Cross Building, Manuel Roxas Avenue, Davao City (contact person: Hanna Sales, 0950-576-2981) 

Maaaring makipag-ugnayan sa mga contact person sa bawat lugar para sa iba pang detalye. 

Bukod sa blood donation drive, plano rin ng PSFAAI, na nationwide alumni association ng Pi Sigma Fraternity, na mag-alay ng bulaklak sa harap ng rebulto ni Gat Andres Bonifacio sa Vinzon’s Hall sa University of the Philippines sa Martes, alas-9 ng umaga. 

Ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 30 ang kapanganakan ni Bonifacio, na nagtatag sa Katipunan at isa sa mga nanguna sa laban para sa kasarinlan ng Pilipinas mula sa mga Kastila.

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC