Ilocos Norte Capitol. ABS-CBN News/File
Nakapagtala noong Biyernes ng 31 bagong kaso ng coronavirus disease ang Ilocos Norte, karamihan ay mga residenteng umuwi mula sa ibang panig ng bansa o ibang bansa.
Sa 31 bagong kaso, 13 ay returning residents habang 7 ay returning overseas Filipino, ayon sa tala ng provincial government. Ang natitirang 11 kaso ay mga taga-lalawigan.
Sa 13 returning residents, 11 ay taga-Laoag City, na isinailalim sa localized modified enhanced community quarantine (MECQ) noong Biyernes dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa ilalim ng MECQ, muling magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng mga mahigpit na patakaran para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.
Samantala, sa buong bansa, 427,797 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19, base sa tala ng Department of Health noong Sabado.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, rehiyon, regions, regional news, Ilocos Norte, Laoag City, Covid-19, Covid-19 pandemic, coronavirus Philippines update