89 inmate ng Ilocos Norte Provincial Jail, positibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2020 08:57 PM

Ilocos Norte Capitol. ABS-CBN News/File

Umabot sa 89 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Ilocos Norte Provincial Jail (INPJ) nitong Linggo.

Sa huling tala ng provincial government ng Ilocos Norte, umabot sa 92 ang bagong kaso ng COVID-19, kung saan 2 ang returning overseas Filipino worker, 1 ang local resident na dating person deprived of liberty, at 89 ang kasalukuyang inmate sa INPJ.

 

Nauna nang nagpositibo sa COVID-19 ang 5 empleyado ng INPJ at posibleng sa kanila nahawa ang mga inmate.

Sa kabuuan, may 101 na inmates ng INPJ ang may COVID-19.

Umabot na sa 357 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Nasa ilalim ng localized modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Laoag City, ang kabisera ng lalawigan, simula noong Biyernes dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng MECQ, muling magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng mga mahigpit na patakaran para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.

Samantala, sa buong bansa, 429,864 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19, base sa tala ng Department of Health ngayong Linggo.

- ulat ni Dianne Dy

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.