Bago pa man pumasok ang Disyembre, binuksan na sa publiko ang makasaysayang Price Mansion sa Tacloban City sa Leyte matapos gawin itong Christmas village.
Namumutiktik sa iba't-ibang klase ng ilaw ang labas nito. Kabilang sa mga atraksyon sa mansyon ang dalawang "tunnel of lights."
Parehong mga bata't matanda ay naaliw sa Christmas village.
Malaking bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang Price Mansion. Itinayo ito ng US Army engineer na si Walter Scott Price noon 1910, noong panahon ng Amerikano sa bansa.
Ang gusaling ito ang nagsilbing headquarters ni General Douglas MacArthur noong bumalik siya sa Pilipinas para palayain ang bansa mula sa mga kamay ng mga Hapon noong 1945.
- Ulat ni Sharon Evite, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regional news, Tagalog news, Tacloban, Leyte, Price Mansion, Christmas village, tourist spot, historical monument