PatrolPH

Hostage taker, patay sa Surigao; batang biktima, nasagip

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2019 10:54 PM | Updated as of Nov 29 2019 11:50 PM

MAYNILA - Napatay ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos umanong mang-hostage ito ng isang menor de edad sa Barangay Lipata sa Surigao City nitong Biyernes.

Kinilala ang hostage taker na si Michael Belarma Puerto Gallera, 40.

Ayon kay Police Brig. Gen. Joselito Esquivel, hepe ng Caraga PNP, pumasok si Gallera sa terminal ng Surigao Transport Corporation at hinostage ang biktima.

Tumanggi umanong makipagnegosasyon si Gallera sa mga awtoridad. 

Pero nagawa ng pulisya na maibaling sa iba ang atensyon ng suspek, kaya't nasagip nila ang menor de edad. 

Tinangka umanong saksakin ni Gallera ang mga pulis, kaya't pinaputukan siya ng baril.

Nalapatan pa umano ng lunas ang suspek pero nasawi din ito.

- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.