2 nahulihan ng shabu, sumpak sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2019 04:48 AM

MAYNILA - Isang tindero ng prutas at ang kasama nito ang inaresto matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa Barangay Commonwealth sa Quezon City.

Ayon kay Police SSgt. Ronnick de Ocampo ng Batasan PNP, aabot sa P27,000 na halaga ng kontrabando ang nakuha mula sa tindero na si "Rance" at sa kaniyang kasama sa isang buybust operation.

Isang sumpak at mga bala din ang nakompiska ng pulisya mula sa mga suspek.

Patong-patong na kaso ang haharapin ng mga suspek.

- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.