8 banyaga sa umano'y investment scam, arestado sa Pasig

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2018 10:56 AM | Updated as of Nov 29 2018 11:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Arestado ang 8 banyaga na isinasangkot sa investment scam sa isang gusali sa Pasig City, Huwebes ng umaga. 

Karaniwang biktima ng mga suspek ang mga retiree, pensioner, at maging ang mga nananalo sa lotto, ayon sa pulisya.

Modus umano ng mga suspek ang magpanggap na broker para kulitin ang biktima na mag-invest sa kanila at bumili ng stocks.

Nahuli ng mga awtoridad ang mga suspek sa isang commercial building sa San Miguel Avenue na ginagawa nilang opisina.

Bukod sa 8 na banyagang mga Canadian at Afro-American, may 24 ding Pilipinong naaresto sa operasyon ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.