Riding in tandem, patay sa engkwentro sa QC

Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2017 08:20 AM

Watch more in iWant or iWantTFC

Patay sa engkwentro sa mga pulis ang isang riding in tandem matapos umanong magnakaw ng motor sa Quezon City.

Kinilala ang rider na si Emmanuel Melegrito habang patuloy pang inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng angkas nito.

Ayon sa may-ari ng motor na si Alejandro Dapadap, hindi na niya makita ang ipinaradang motor paglabas niya mula sa kinainang fastfood.

Nagreport siya sa pulisya na agad namang inalerto ang ibang unit ng pulis.

Namataan ang motor ni Dapadap sa Harmony Road corner Eleven Road sa Barangay Balingasa pasado hatinggabi.

"Sinubukan namin parahin, kumaripas sila dito, at ang masama diyan, pinutukan ang tao natin kaya wala tayong choice kundi gumanti," sabi ni Insp. Rodante Albano.

Narekober mula sa mga suspek ang 2 baril at 2 bag na pambabae na pinaniniwalaang ninakaw din kagabi.

"Usually, ang ginagawa nila ngayon ay mang-agaw ng motor at yun na rin ang gagamitin sa pagpatay o panghoholdap," dagdag ni Albano.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.