Paligid ng eskuwelahan, ginawang palikuran, namaho

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2017 11:44 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Halos 20 street dwellers o mga naninirahan sa kalsada ang dinampot ng mga awtoridad sa paligid ng isang paaralan sa Tondo, Maynila nitong Miyerkoles.

Nagsanib puwersa ang Manila Social Welfare, Department of Public Services (DPS) ng Manila City Hall at Manila police sa pagsuyod sa paligid ng Isabelo Delos Reyes Elementary School sa Tondo.

Ito'y matapos paulit-ulit na ireklamo ng mga guro at mag-aaral ang masangsang na amoy mula sa labas ng gusali kahit nakasara ang bintana ng mga silid-aralan.

Apektado ng amoy ang pag-aaral ng mga estudyante at pagtuturo ng mga guro.

Dahil dito, pinagdadampot ng mga tauhan ng munisipyo ang mga street dweller.

Sa gitna ng operasyon, nakakuha ang mga awtoridad ng mga drug paraphernalia.

Pati mga hayop ay hinuli dahil hinahayaan lang silang umihi at dumumi sa pader ng paaralan.

Ayon sa Manila City Hall, pananagutan ito ng barangay.

Sinisi naman ng isang tauhan ng barangay ang DPS.

Sinabi naman ng DPS na araw-araw nilang nililinis ang paligid ngunit araw-araw ding nagkakalat ang mga tao roon.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.