Lalaking nagyayang makipagtalik, sinaksak sa Maynila

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2017 08:25 AM

Sugatan ang isang lalaki matapos itong saksakin ng lalaking makikipagtalik sana sa kanya kapalit ng pera, Miyerkoles sa Sampaloc, Maynila.

Watch more in iWant or iWantTFC

Sinaksak ng suspek na si Angel Biel Sebulo ang biktimang si Rosalio Verano matapos umanong tumanggi ang biktima na ibigay ang pangakong pera kapalit ng pakikipagtalik.

Base sa imbestigasyon, nanuod muna ng sine ang 2 at dumiretso sa bahay ni Verano.

Nang hingin na ni Sebulo ang bayad bago sila magtalik at walang ibinigay ang biktima, nagalit na ang suspek, saad ni PO3 Dindo Encina.

Kinuha ng suspek ang ATM card ni Verano at sinaksak ng patalim ang biktima sa mukha, leeg, at tuhod, dagdag ni Encina.

Lumaban naman ang biktima at nasaksak niya ang suspek sa likod.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Ospital ng Sampaloc sina Verano at Sebulo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.