PatrolPH

Sunog sumiklab sa talipapa sa QC; 10 pamilya, 40 vendors apektado

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2022 06:18 PM | Updated as of Nov 28 2022 09:08 PM

MAYNILA — Sumiklab ang sunog sa isang talipapa sa Bgy. Del Monte St. sa Masambong, Quezon City nitong Lunes.

Nagsilabasan sa kanilang mga bahay ang mga may puwesto sa talipapa nang kumalat ang sunog.

Ayon sa BFP-QC, bago ang sunog ay may nakarinig umano ng pagtatalo ukol sa lupain.

Batay sa isang witness, isa daw dito ay nagbanta pang magsisimula ng apoy.

Bandang 1:40 ng hapon ay nasa ikatlong alarma na ang apoy bago idineklarang fire out noong 1:48 p.m.

Ayon sa barangay officials ng Masambong, 10 pamilya at 40 vendors ang apektado.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

—Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.