PatrolPH

Mga nasalanta ng 'Paeng' sa Upi, Maguindanao del Norte inayudahan

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2022 02:01 PM | Updated as of Nov 28 2022 07:51 PM

Naghatid ng tulong ang ABS-CBN Foundation sa mga residente ng Upi, Maguindanao del Norte na nasalanta ng Bagyong Paeng nitong Oktubre. ABS-CBN News
Naghatid ng tulong ang ABS-CBN Foundation sa mga residente ng Upi, Maguindanao del Norte na nasalanta ng Bagyong Paeng nitong Oktubre. ABS-CBN News

Nagpaabot ng tulong ang ABS-CBN Foundation sa mga residente ng Upi, Maguindanao del Norte na nasalanta ng Bagyong Paeng nitong Oktubre.

Sa tulong ng 6th Civil Military Operations Battalion at iba pang partner, ni-repack at hinatid ang higit 1,000 relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa Barangay Borongotan.

Dinalhan din ng bigas at mga de-lata ang nasa 500 pamilya sa Barangay Kuya.

Watch more News on iWantTFC

Kasama sa mga nabigyan ng ayuda si Edna Mestiola ng Barangay Borongotan, na na-trap nang pitong oras sa loob ng bahay noong bumaha sa kasagsagan ng bagyo.

"Hindi na sila maka-rescue kasi mataas na ang tubig. Tapos binalikan ko na lang ang mga anak ko sa kuwarto. Sabi ko, 'wala nang makaligtas sa atin kasi baha na, walang pwedeng tumulong'. Sabi ng isang anak ko, 'Mama relax lang, dito lang tayo,'" ani Mestiola.

Hindi bababa sa 164 ang bilang ng mga taong nasawi sa paghagupit ng Bagyong Paeng, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Tuloy-tuloy umano ang Operation Paneg ng ABS-CBN Foundation para maabot ang mas marami pang Pilipinong nasalanta ng bagyo.

— Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.