PatrolPH

5 patay sa pamamaril, pananaga sa Bukidnon

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2022 01:20 PM | Updated as of Dec 07 2022 06:05 PM

Watch more News on iWantTFC

(UPDATE) Lima ang patay sa pamamaril at pananaga sa Lantapan, Bukidnon noong umaga ng Linggo, ayon sa pulisya.

Ayon sa Lantapan Municipal Police Station, pinasok ng 6 na suspek ang bahay ng isang Mael Lugnasan at namaril doon, na ikinasawi ng 4 na magkakamag-anak kabilang ang isang menor de edad.

Nakaligtas naman umano si Lugnasan, na may tama ng bala sa tiyan.

Sunod umanong nagtungo ang mga suspek sa bahay ng isang Daniel Lugnasan, na pinagtataga naman ng bolo na ikinamatay nito.

Hindi pa nahuhuli ang mga suspek bagaman tatlo sa kanila ay kilala na. 

Ayon sa Lantapan police, posibleng away sa lupa ang motibo sa krimen.

— Ulat ni Rod Bolivar

(Editor's Note: Sinabi sa unang bersyon ng artikulong ito na naaresto na ng mga awtoridad ang tatlo sa mga suspek habang pinaghahanap pa ang iba. Pero base sa opisyal na ulat ng pulisya, wala pang nahuhuli sa mga suspek. Humihingi kami ng paumanhin sa pagkalingat sa detalyeng nailathala.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.