PatrolPH

Dalawang hinihinalang miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2022 07:28 PM

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People's Army (NPA) sa umano'y engkwentro nitong Lunes ng umaga sa Negros Occidental.

Ayon kay 1Lt. Roselyn Balean ng 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente na may armadong grupo na nagsasagawa ng extortion sa Brgy. Quintin Remo sa bayan ng Moises Padilla.

Sa isinagawang military operations Lunes, nakaengkwentro ng mga sundado ng 62nd IB ang nasa 15 rebelde. Dalawang hindi pa nakikilala at hinihinalang miyembro ng grupo ang namatay sa bakbakan na tumagal ng 30-40 minutos.

“Usually pag ganyan na papalapit na ang kanilang anniversary ay gumagawa po sila ng mga extortion activities at kung anu-ano pang mga harassment para ipakita po na sila ay malakas pa. Subalit hindi po ito nakakaligtas sa ating mga kasundaluhan dahil po tayo ay may close monitoring sa kanila kung saan man sila,” sabi ni Balean.

- ulat ni Angelo Angolo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.