PatrolPH

Patay na sanggol, iniwan sa simbahan sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2021 03:03 PM

Contributed photos.
Contributed photos.

Isang patay na sanggol ang iniwan sa loob ng St. Anne Parish Church sa Molo, Iloilo City, nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa security guard ng simbahan, una niyang nakita ang isang paper bag na iniwan sa loob ng simbahan malapit sa pintuan. Nang tingnan nito ay nagulat siyang may nakasilid na isang sanggol.

Kaagad na humingi ng tulong ang security guard sa Molo Police at dinala nila ang sanggol sa ospital. Pero idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Tinatayang nasa pito hanggang walong buwan pa lang ang sanggol.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kung sino ang nag-iwan sa patay na sanggol.

—Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.