PatrolPH

Kandidato sa pagka-konsehal sa Pampanga, mga kasama patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2021 01:06 AM

patay sa pamamaril

Patay sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang gunmen ang kandidato sa pagka-konsehal ng San Simon, Pampanga na si Rogelio “Jon” Salvador nitong Sabado.

Ayon sa witness, bumibyahe ang biktima sakay ng kanyang SUV nang
biglang pinagbabaril ang kanyang sasakyan ng mga suspek sakay ng kasalubong na sasakyan.

Nangyari ang pamamaril sa kahabaan ng San Simon-Baliwag Road sa Barangay San Miguel pasado alas siyete y media ng umaga.

Namatay din ang kanyang driver habang ang isa pang pasahero ay binawian ng buhay habang ginagamot. 

Patuloy ang imbestigasyon ng PNP para malaman ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril. - Ulat ni Gracie Razon Rutao

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.