Empleyado ng lending company patay matapos masagasaan ng bus

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2019 11:01 AM

Pumailalim at nasagasaan ang biktima nang maipit sa gilid ng bus sa Legazpi City. Larawan mula kay Ivan Lozano

LEGAZPI CITY – Patay ang 26-anyos na empleyado ng isang lending company matapos na masagasaan ng bus sa Barangay Bonot, Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa awtoridad, nagmamaneho ng motorsiklo si Stephanie Santillan nang bigla umanong pumasok sa kaniyang linya ang bus. 

Posibleng hindi umano napansin ng driver ng bus ang motorsiklo sa kanang bahagi nito kaya naipit at pumailalim sa bus si Santillan at nasagasaan.

Desidido ang pamilya ng biktima na sampahan ng kaso ang driver ng bus na kinilalang si Joelito Baracina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.