6 babae nasagip sa QC spa na front umano ng prostitusyon

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2019 05:15 AM

MAYNILA—Nasagip ng mga awtoridad nitong Miyerkoles ang 6 na babae sa isang spa sa Quezon City na may malaswa umanong aktibidad.

Sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang establisimyento sa Barangay Pasong Tamo matapos ireklamo na front ito ng prostitusyon.

Inaresto rin ang isang tauhan ng spa matapos nitong tanggapin ang bayad ng nagpanggap na kliyente kapalit ng serbisyong seksuwal.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 ang tauhan at may-ari ng spa.

Karagdagang kaso ang ihahaian sa may-ari ng spa na wala sa lugar nang isagawa ang operasyon dahil napag-alaman na walang business permit ang establisimyento.—Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.