Sundalo patay sa pag-atake ng hinihinalang NPA sa N. Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2018 07:34 PM


SAN JORGE, NORTHERN SAMAR – Patay ang isang sundalo habang sugatan naman ang isa pa sa pag-atake ng hinihinalang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa isang detachment ng Civilian Armed Force Geographical Unit (CAFGU), Martes ng gabi.

Nakilala ang nasawing sundalo na si Private 1st Class Romel Debuton habang ginagamot naman sa ospital ang sugatang si Corporal Jaype Malbas.

Dalawang minuto lamang ang itinagal ng bakbakan sa pagitan ng mga sundalo sa ilalim ng 20th Infantry Battalion ng Philippine Army at hindi pa mabilang na mga rebelde.

Tinutugis na ngayon ng militar ang mga nakatakas na rebelde.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.