Insidente ng sunog, posible pang tumaas sa Disyembre: BFP

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2018 08:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dahil nalalapit na ang Pasko, nagpayo ang Bureau of Fire Protection (BFP) na ugaliing ipa-check ang electrical wiring ng tahanan at maging alerto sa mga nakasaksak na gamit bago umalis ng bahay. 

“Kung tayo lumalabas sa mga kaniya-kaniyang tahanan, sana siguraduhin natin na nakatanggal 'yung nakasaksak na de-kuryente nating gamit,” ani BFP-NCR director Fire Chief Superintendent Roel Diaz.

Sa datos ng BFP noong 2017, 2,657 sa 4,646 insidente ng sunog noong ay konektado sa kuryente. 

Nasa 4,004 naman ang naitatalang sunog nitong 2018, kung saan 47 ang nasawi, at inaasahan pang dadagdag dito ang mga sunog na dulot ng overheating at pag-iiwan nang bukas ng mga ilaw tulad ng Christmas lights. 

Dagdag-payo ni Diaz, dapat rin aniyang bawasan ang octopus connection dahil ito umano ang kadalasa’y sanhi ng mga sunog. 

Ang octopus wiring ay ang sanga-sangang koneksiyon ng maraming appliances sa iisang extension, na nagdudulot ng overheating. 

Magha-heightened alert na ang BFP sa katapusan ng Nobyembre, kung saan mag-aantabay ang lahat ng kanilang tauhan. 

--Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.