Lalaking sakay ng motorsiklo, tumilapon at pumailalim sa SUV

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2017 09:44 AM

MANILA - Malubhang nasugatan ang isang lalaking naka-angkas sa motorsiklo matapos siyang tumilapon at pumailalim sa isang sports utility vehicle sa EDSA-Quezon Avenue sa Quezon City, Martes. 

Sumalpok ang motorsiklo sa poste ng ilaw bandang alas-4:20 ng umaga kaya tumalsik ang driver at back rider nito. 

Nagkataon namang may parating na SUV at pumailalim dito ang back rider. Inabot ng 1 oras ang pagkakaipit niya rito dahil naghintay pa ng tow truck na hahatak sa SUV. 

Nabalian naman ng buto ang motorcycle driver. 

Hindi pa nakikilala ang mga biktima na hinihinalang nakainom. Ulat nina Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.