Dating kandidata sa Bb. Pilipinas, arestado dahil sa droga

Hajji Kaamiño, ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2016 03:31 AM

MANILA -- Arestado ang isang dating kandidata ng Binibining Pilipinas na si Mariafe Garlit matapos itong mahuling gumagamit umano ng iligal na droga sa isang buy-bust operation sa Sampaloc, Manila. 

Nasabat din mga operatiba ang dalawa pang sachets ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Kasamang inaresto ang umano'y pangatlo sa target drug personalities ng Criminal Investigation and Detection Group na si Ma. Lovella Rival, 43 anyos, na siyang binilhan ng droga ng asset sa operasyon. 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.