PatrolPH

Mayor: Lipa City nakamit na ang target vaccination rate sa COVID

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2021 10:38 PM

Sa mahigit 400,000 residente ng lungsod ng Lipa nasa 85% sa kanila ang naturukan na ng first dose ng COVID-19 vaccine habang 75% ang fully vaccinated, pagkumpirma ni Mayor Eric Africa nitong Biyernes. 

Kaya positibo si Africa na mababakunahan ang lahat ng residente ng lungsod sa National Vaccination Day na magsisimula sa Lunes. 

Ani Africa, 45,000 doses ang target na iturok di lang sa mga residente dahil bubuksan din para sa mga karatig-lugar. 

Pero aminado siyang may mga ilang residente pa ring ayaw magpabakuna, ito'y kahit pa ginagawa na ang vaccination sa bahay-bahay para sa mga senior citizens at bedridden. 

Kaya panawagan ng alkalde sa nasasakupan gawin ang kanilang parte at magpabakuna para labanan ang pagkalat ng virus.

Maaari naman daw makapag-umpisa na ng pagbabakuna sa general population ng booster shots sa susunod na buwan.

Sa kasalukuyan, 31 lang ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lipa. — Ulat ni Andrew Bernardo 

Kaugnay na video: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.