Hotel sa Pasay City nasunog

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2021 01:01 AM

MAYNILA — Nasunog ang isang hotel sa kahabaan ng Newport Boulevard sa Pasay City, Biyernes ng gabi.

Ayon sa Pasay City BFP, nangyari ang sunog sa ikalimang palapag ng Hotel Okura at umabot ito sa unang alarma.

 

Nagdeklara ng fire out ang mga awtoridad lagpas alas 9:00 ng gabi.

 

Wala pang impormasyon ukol sa sanhi ng naturang sunog at kung magkano ang pinsala na dinulot nito.

— Ulat ni Mico Abarro, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC