PatrolPH

Misis hindi pa rin mahanap ang mag-ama na inanod ng baha ni Ulysses

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2020 05:42 PM | Updated as of Nov 27 2020 09:07 PM

Misis hindi pa rin mahanap ang mag-ama na inanod ng baha ni Ulysses 1
Maraming naantig sa kuwento ni Ruchie Enabore na natagpuan sa gilid ng ilog ang putikang katawan ng kaniyang 2 anyos na anak, na kaniyang nabitawan habang lumilikas sila sa rumaragasang baha na dala ni Ulysses. Screengrab


MAYNILA — Hindi pa rin natatagpuan hanggang ngayon ang mister at anak ni Ruchie Enabore, ang inang nag-viral matapos niyang matagpuan ang bangkay ng kaniyang anak makalipas ang hambalos ng Bagyong Ulysses. 

Labinlimang araw na mula nang bahain ang Marikina at unti-unti nang umaayos ang barangay Tumana na noo’y malubhang napinsala.

Sa parehong barangay nakatira si Enabore.

Watch more on iWantTFC

Maraming naantig sa kuwento ni Enabore na natagpuan sa gilid ng ilog ang putikang katawan ng kaniyang 2 anyos na anak, na kaniyang nabitawan habang lumilikas sila sa rumaragasang baha na dala ni Ulysses. 

Bago noon, nauna nang lumikas ang mister niya at babae nilang anak. Pero hanggang ngayon ay di pa rin sila mahanap. 

"Hindi pa rin po ako nawawalan ng pag-asa kasi hindi pa rin sila nakikita eh... Malay mo, balang araw bigla na lang silang umuwi dito," aniya. 

Nakikituloy ngayon sa isang bahay si Enabore dahil wala nang natira kahit anong ari-arian nila. 

Pero ang hiling lang niya ngayon ay mahanap na ang kaniyang nawawalang mag-ama. 

—Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News 

Watch more on iWantTFC


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.