MAYNILA — Mas niluwagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) laban sa COVID-19 ang protocols sa mga papayagang pumasok sa bansa sa gitna ng patuloy na pandemya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes, simula Disyembre 7 ay puwede nang pumasok sa bansa ang mga asawang foreigner ng mga Pilipino at kanilang mga anak anuman ang kanilang edad.
Gayundin, puwede na rin daw ang mga dating Filipino citizens at kanilang pamilya.
Ang visa-free entry nila dito sa Pilipinas ay dapat alinsunod sa panuntunan ng Executive Order No. 408 series of 1960, na nagtatakda ng guidelines sa pagpasok ng mga banyaga sa bansa.
Dapat rin daw ay mayroon silang pre-booked quarantine facility at pre-booked na COVID-19 testing sa isang laboratoryo na nago-operate sa airport.
Kailangan ring pasok sila sa natukoy na maximum capacity ng inbound passengers na pinayapagan sa petsa ng kanilang pagdating.
Inatasan naman ng IATF ang Bureau of Immigration na magbalangkas ng guideliens para sa maayos na pagpapatupad nito, habang ang Department of Tourism naman ay dapat ding mag-isyu ng panuntunan para matiyak na may sapat na accommodation ang mga pupunta sa bansa habang naghihintay sila ng resulta ng COVID-19 testing.
— Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News
PANOORIN ANG KAUGNAY NA BALITA:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, patrolph, travel, foreign spouses, children Philippines, travel ban, Malacañang, Palace, Harry Roque, coronavirus, COVID-19, coronavirus worldometer, coronavirus latest, Philippines coronavirus Philippines news, IATF