PatrolPH

Higanteng leatherback sea turtle, natagpuang patay sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2019 02:43 AM

Higanteng leatherback sea turtle, natagpuang patay sa Quezon 1
Kuha ni Sherwin William Rosales

QUEZON—Natagpuan ang isang patay na leatherback sea turtle sa baybayin ng Barangay Bignay 2, Sariaya, Quezon Martes ng umaga.

Ayon sa tauhan ng Environment and Natural Resources Office (ENRO) na sumuri rito, isa itong babaeng pawikan na nasa 400 kilo ang bigat.

Mahigit 6 na talampakan ang haba at 3 talampakan ang lapad ng pawikan.

Higanteng leatherback sea turtle, natagpuang patay sa Quezon 2
Kuha ni Sherwin William Rosales

Hindi masabi ng ENRO kung ano ikinamatay ng pawikan dahil hindi na ito isinailalim sa necropsy. Agad na inilibing ng mga awtoridad at residenteng mangingisda ang pawikan.

May geotag na PH0371K ang pawikan na indikasyon na dati na itong naidokumento nang minsang mapadpad sa ibang bahagi ng bansa.—Ulat ni Jonathan Vega Magistrado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.