ALAMIN: Kasong maaaring isampa sa pumatay ng magulang, anak

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2019 03:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Mahaharap sa kasong parricide ang sino mang sangkot sa pagpaslang ng kanilang magulang o anak.

Nakasaad ito sa Revised Penal Code, kung saan pinaparusahan ang mga ascendant o descendant ng suspek, gaya ng asawa, anak, o mga magulang. 

"Ang father tsaka mother, ang relasyon niyan sa taong pinatay ay diretso ang linya. So pag anak ka, o apo mo descendants diretso yon," ani Castro sa programang "Usapang De Campanilla" noong Martes. 

Tinalakay ang kaso kasunod ng pag-aresto sa isang lalaki na mastermind umano sa pagpaslang ng kaniyang mag-ina sa kanilang bahay sa Cavite. 

Lumitaw sa imbestigasyon na kumuha umano ang suspek ng hired killer para martilyuhin ang kaniyang anak at asawa sa bahay nila. 

Sa naturang kaso, ayon kay Castro, may "conspiracy" na naganap kaya maaari pa ring kasuhan ng parricide ang suspek. 

Samantala, posibleng kasuhan ng murder ang suspek lalo't walang kalaban-laban ang mga biktima nang mangyari ang krimen. 

Ayon sa Revised Penal Code, reclusion perpetua ang maaaring parusa sa sino mang mapapatunayang gumawa ng parricide. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.