5 sugatan sa salpukan ng tricycle, AUV sa Iloilo

Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2019 04:51 PM

Watch more in iWantTFC 
Courtesy of Guimbal Municipal Police Station

GUIMBAL, Iloilo – Lima ang sugatan matapos magkasalpukan ang dalawang sasakyan sa crossing ng Poblacion sa nasabing bayan, Miyerkoles ng umaga.

Sa kuha ng CCTV camera sa Poblacion, makikita ang pagtilapon ng pitong sakay ng tricycle matapos magpang-abot ang dalawang sasakyan sa gitna mismo ng crossing.

Lima sa mga pasahero ang agad na dinala sa ospital.

Ayon sa imbestigasyon, ihahatid ng driver ng pribadong sasakyan ang anak ng kaniyang amo sa paaralan habang patungo naman sa bayan ang tricycle.

Sa video, makikitang parehong hindi nag-menor ang tricycle at AUV pagdating sa crossing.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng pribadong sasakyan habang nasa ospital pa ang driver ng tricycle. 

Hinihintay na lamang ng pulisya kung magkaka-aregluhan ang magkabilang panig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.