10 tiklo sa droga sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2019 06:06 AM | Updated as of Nov 27 2019 06:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Timbog ang 10 katao sa magkahiwalay na operasyon kontra droga sa Quezon City Martes ng gabi.

Sa unang operasyon sa 12th Avenue sa Cubao, huli ang 3 magkakaibigan sa pot session sa loob ng isang kotse.

Itinanggi naman ng mga suspek na sa kanila ang marijuana. Kakain lang umano sila at iinom nang biglang hulihin.

Ayon kay Lieutenant Col. Melchor Rosales, buy-bust operation ito. Isinumbong ng mga dating nahuli ang mga suspek kaya sila naaresto.

Samantala, 7 ang nahuli sa loob ng isang apartelle sa Novaliches na halos nasa tapat lang ng police station.

Tatlo ay mga menor de edad na ginagamit umano na runner sa mga transaksiyon.

Nasa P176,000 na halaga ng shabu ang nakuha sa kanila.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.