PatrolPH

Babaeng nagnakaw ng shorts sa mall, timbog

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2018 11:25 AM | Updated as of Nov 27 2018 11:32 AM

MANILA - Arestado ang isang babae matapos mahuling nagnanakaw ng shorts sa isang mall sa Quezon City, Lunes.

Ayon sa isang security guard, napansin niya ang 25-anyos na suspek na dahan-dahang isinilid ang isang P500 na bulaklaking shorts sa kaniyang dilaw na backpack.

Sinabi ng suspek na natukso siyang nakawin ang shorts nang makita niyang nakaalis ang alarm tag device nito, ani PO1 Christopher Obispo.

Ireregalo daw sana niya sa kaniyang sarili ang shorts dahil kaarawan niya sa December 25, sabi ni Obispo.

Mahaharap sa kasong theft by shoplifting ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.