TFC News

PANOORIN: Champs Elysees inilawan na para sa Kapaskuhan

Bong Agustinez | TFC News France

Posted at Nov 26 2022 12:07 AM | Updated as of Nov 26 2022 08:25 AM

PARIS - Inilawan noong November 20 ang kahabaan ng Ave. Champs Elysees sa Paris, ang sikat na daan at tourist spot ng kabisera ng France.

Pinamunuan mismo ni Mayor Ann Hidalgo ang okasyon bilang pagsalubong sa nalalapit na Pasko. Libo-libong turista at Pranses, kasama ng mga Pinoy ang naghintay at nakisaya sa taunang okasyon na pansamantalang nahinto dahil sa pandemya.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa France, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.