PatrolPH

2 lalaki, timbog sa panloloob sa security agency office sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2022 02:05 PM

Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na itinuturong nanloob sa opisina ng isang security agency sa MacArthur Highway, Matina, Davao City gabi ng Huwebes. 

Agad na nagkasa ng hot pursuit operation ang mga kawani ng Ma-a Police Station at nahuli ang isang Randy Echavia Lim na itinuturong responsable sa robbery-ransack sa opisina.

Nakumpiska mula kay Lim mula sa kanyang bahay sa Agdao, Davao City ang apat na 9mm caliber, siyam na piraso ng steel magazines, isang piraso ng LED Projector, at 45 piraso ng 22 TCM ammo na ninakaw umano nito mula sa security agency office.

Kinabukasan, nakumpiska ang isa pang 9mm na armas mula sa isang Robert Oliveros na nakatira rin sa bahay ni Lim.

Sinampahan na ng kasong robbery at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang dalawa. — Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.