MAYNILA—Nailipat na sa kustodiya ng embahada ng Britanya dito sa Pilipinas ang mag-asawang na-kidnap nang halos 2 buwan ng Abu Sayyaf sa Sulu.
Dumating sa Villamor Air Base sa Taguig pasado alas-9:30 ng gabi ang military flight na sakay ng negosyanteng British na si Allan Hyron at asawa nitong Pinay na si Wilma.
Ayon sa commander ng Western Mindanao Command na si Lt. Gen. Cirilito Sobejana na naghatid sa mag-asawa, sinalubong sila sa base operations center ng Villamor ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce.
Matatandaang ni-rescue ng militar ang mag-asawa sa Parang, Sulu noong Lunes matapos ang 53 araw na hawak ng Abu Sayyaf bago dinala sa Zamboanga.
Nauna na nilang sinabi sa press conference sa Zamboanga bago lumipad pa-Maynila na walang ibinayad na ransom para sa pagkalaya nila.
Ayon kay Sobejana, magsasagawa pa ng briefing at documentation sa mag-asawa, pero ngayong gabi magpapahinga muna ang mga ito.
Wala pang detalye kung kailan ang balik nila sa Britanya.—Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, Allan Hyron, Wilma Hyron, couple, British, businessman, Briton, couple, kidnapping, abduction, Abu Sayyaf, Abu Sayyaf Group, ASG, rescue, Armed Forces of the Philippines, AFP, military, soldiers, encounters, clashes, Zamboanga del Sur