ALAMIN: Rapist na pinakasalan ang biktima, maaabsuwelto ba sa Pilipinas?

ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2019 06:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - May probisyon sa batas na nag-aabsuwelto umano sa nanggahasa kapag pinakasalan nito ang kanyang biktima, ayon sa isang abogado. 

Sa programang "Usapang de Campanilla" sa DZMM, sinabi ni Noel Del Prado na may probisyon sa batas na nag-aabsuwelto o nagbibigay ng pardon sa suspek ng rape kapag kinasal sila ng biktima - bagay na ikinabahala niya. 

"Kung tutuusin mo, ano ang naghihintay sa buhay ng biktimang pinuwersa o namilit o ginamitan ng dahas? Para itong death sentence na mapapaloob ka pa sa isang alam nating mahirap mawalangbisa ang kasal. Forever ka nang nasa ganiyang sitwasyon," ani Del Prado. 

Narito ang nilalaman ng Article 266-C o Effect of Pardon ng Republic Act 8353 o "Anti-Rape Law": 

"The subsequent valid marriage between the offended party shall extinguish the criminal action or the penalty imposed.
 
"In case it is the legal husband who is the offender, the subsequent forgiveness by the wife as the offended party shall extinguish the criminal action or the penalty: Provided, That the crime shall not be extinguished or the penalty shall not be abated if the marriage is void ab initio." 

Isa umano ang Pilipinas sa 9 bansang pumapayag sa "marry-your-rapist," ayon sa human rights groups. 

"Ito rin ay paglabag sa batas ng ating lipunan. Hindi dapat pagkasunduan lamang ng partido sapagkat ang kaniyang krimen ay hindi dapat pagdusahan. 'Di dapat ilagay ang biktima sa ikasasadlak ng akusado," ani Del Prado. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.