Lalaki patay nang mahulog sa dagat ang sasakyan sa Samal

Madonna Timbal-Senajon, ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2018 08:11 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

SAMAL, Davao del Norte -- Patay ang isanag lalaki matapos mahulog ang minamaneho nitong sasakyan sa dagat sa distrikto ng Babak, Linggo ng gabi.

Paakyat sana ng barge ang Innova na minamaneho ni Fernando Pacaldo pero dumiretso ito sa dagat. Nabangga pa ang isang taong paakyat ng barko bago ito tumilapon.

Nakuha pa mula sa lumubog na sasakyan si Pacaldo at naisugod pa siya sa ospital ngunit idineklara ding dead on arrival. Nakaligtas naman ang lalaking nabangga niya.

“Medyo mahirap na rin ang pag rescue dahil malakas ang current. Mga 100 meters away sa Innova siya nakuha,” ani Capt. Roy Echevierra, kumander ng Coast Guard sa Southeastern Mindanao.

Kinumpirma naman ng mga kaanak na dumalo sa binyagan si Pacaldo at bahagyang nakainom bago nangyari ang insidente na nagdulot rin ng pagkaistranded ng mga pasahero.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.