Rider, sugatan matapos sumemplang sa Caloocan

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2017 07:49 AM

MANILA - Sugatan ang isang motorcycle rider matapos sumemplang malapit sa checkpoint ng Caloocan PCP 1 sa tapat ng Monumento Circle Linggo ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, inakala nila na patay na at naghihingalo ang motor rider dahil nakahandusay ito sa gitna ng kalsada at hindi gumagalaw.

Hin rin makausap ang rider at wala ring nakitang ID sa kanya kaya naman wala pa rin itong pagkakakilanlan.

Inabutan siyang nagpapagulong-gulong ng rescue team sa kalsada -- at nahirapan pa itong mapahiga sa stretcher.

Isinugod ang biktima sa Caloocan Medical Center.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.