Estudyante nanglaslas ng mga bag, nagnakaw

ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2017 08:54 AM

MANILA - Inaresto ang isang 18-anyos na estudyante matapos mahuling nagnanakaw ng mga cellphone ng 4 na kabataan sa isang event sa Mall of Asia, Pasay, Sabado.

Nasa isang event ang mga biktima nang mapansin nilang nalaslasan ang kanilang mga bag at nawawala ang kanilang mga cellphone at pitaka.

Narekober nila sa lost and found area ang mga wallet, pero wala na ang mga lamang pera at ID nito.

Itinuro ng ilang nakakita si Rina Delos Santos bilang isa sa mga nagnakaw ng mga gamit. Nakuha sa kanya ang 2 sa nawalang smartphone.

Ayon sa pulisya, may kasabwat ang biktima ngunit tinutugis pa ang mga ito.

Pinagaaralan ng mga biktima kung magsasampa sila ng kasong theft laban kay Delos Santos. Tumanggi namang magbigay ng pahayag sa media ang suspek.

Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.