PatrolPH

Babae patay nang barilin ng tauhan ng BuCor sa Panabo City

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2021 07:26 AM

Arestado ang isang tauhan ng Bureau of Corrections matapos nitong barilin ang 1 babaeng nakainuman umano nito sa Barangay San Pedro sa Panabo City noong Sabado.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman lang umano ang suspek na si CSO2 Jose Ariel Dela Cruz at ang biktimang si Jenelie Del Campo kasama ang iba pa nilang kaibigan sa isang floating restaurant sa Panabo.

Dagdag pa ng pulisya, nagkaalitan ang 2 kung saan sinuntok umano ng suspek ang biktma sa mukha at nagpasyang umuwi na lamang sakay sa isang bangka mula sa floating restaurant.

Pero pagkababa nila sa bangka, binaril umano ni Dela Cruz si Del Campo at agad tumakas ang suspek lulan ng kaniyang sasakyan.

Ikinamatay ng biktima ang pamamaril.

Nahuli naman sa hot-pursuit operation si Dela Cruz matapos nakabangga umano ng sasakyan habang nakikipaghabulan sa mga pulis.

Ayon sa pulis, kinasuhan na ng murder si Dela Cruz, na isang tauhan ng Bureau of Corrections at na-assign sa Zone 1, Dapecol, bayan ng Braulio E. Dujali, Davao del Norte. — Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.