2 araw na tigil pasada sa Bicol sinimulan na

Karen Cannon, ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2019 10:14 AM

Hindi pumasada ang mga drayber ng jeep sa Bicol upang iprotesta ang planong jeepney phaseout ng pamhalaan, Nob. 25, 2019. ABS-CBN News

NAGA CITY -- Sinimulan na ngayong Lunes ang 2 araw na tigil pasada sa iba't-ibang lungsod sa Bicol upang iprotesta ang planong phaseout ng mga lumang jeep.

Dahil sa tigil-pasada, sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa Legazpi, Camalig, Daraga, Guinobatan, Oas, Sto. Domingo at Bacacay.

Pinangunahan ng mga grupong Bicol Transport Alliance, Condor-Piston Bicol, at No to Jeepney Phaseout Coalition ang tigil-pasada.

Papatayin umano ang kabuhayan ng libo-libong drayber, mga operator at mga manggagawa sa industriya ng transportasyon ng jeepney phaseout, ani Ramon Rescovilla, deputy secretary general ng Condor-Piston sa Bicol.

Paliwanag ni Rescovilla, rehabilitasyon at hindi phaseout ang kailangan ng mga pampublikong sasakyan.

Tinataya ng grupo na aabot sa P20 o higit pa ang singil sa pamasahe mula sa kasalukuyang P9 na minimum kung papalitan ang mga lumang jeep.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.