Sasakyang papasakay sa barge, nahulog sa dagat

Madonna Timbal-Senajon, ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2018 10:57 PM

DAVAO CITY - Isang sasakyan ang nahulog sa dagat habang papasakay sa barge sa Babak, Samal patungong Davao City Linggo ng gabi.

Isang lalaking pasahero na patawid na sana ang nabangga ng sasakyan habang papasakay na sana sa barge.

Isang lalaki rin ang nailigtas ng awtoridad. Inaalam pa kung ang nailigtas na lalaki ay ang drayber ng sasakyang nahulog o ang nabanggang pasahero.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.