MANILA - Patay ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos umano itong manlaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Meycauayan, Bulacan.
Dead on the spot ang suspek na kinilalang si Joel Balajadia.
Ayon sa pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Meycauayan police sa Brgy. Longos target si Balajadia.
Habang bumibili ang nagpanggap buyer ay bumunot umano ng baril ang suspek at pinaputukan ang operatiba.
Napilitan daw na gumanti ng putok ang mga pulis laban sa suspek, dahilan para sa agarang kamatayan nito.
Nakuha mula sa suspek ang isang cal. 38 revolver na baril.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.